OCES nilinaw na walang kinalaman sa 2022 election ang SPG ballot kundi ito ay para sa mga mag-aaral

Nilinaw ng Olongapo City Elementary School o OCES na walang kinalaman sa halalan para sa lokal at national sa bansa ang ibinigay na SPG ballot sa mga magulang nakaraang linggo na kumuha ng module ng mga anak.

Ayon kay Teacher Nerissa Naboa, SPG coordinator, ang SPG ay tumutukoy sa Supreme Pupil Government na taun-taon nang ginagawa alinsunod sa kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon noon pang taong 2007.

Ang SPG ballot ay pagsusulatan ng mga estudyante ng kanilang iboboto para sa pagiging mayor na ang katumbas nito ay presidente, vice mayor na ang katumbas ay bise-presidente at councilor ng paaralan na pawang mga mag-aaral rin.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ito ay para sa mga mag-aaral mula sa grade 4, 5 at grade 6 kung saan kahapon ay ipinadala na sa group chat ng mga ito ang list of candidates na kanilang pagpipilian.

Ang mga mananalo rito ay magsisilbing student officers ng OCES at makakatuwang ng eskwelahan sa mga aktibidad na makakatulong sa mga kapwa mag-aaral.

Ayon kay Naboa, ipinaliwanag sa mga magulang na kumuha ng module at pinadalhan ng balota na ito ay ibibigay sa kanilang anak at ang bata ang magsusulat ng kanyang iboboto atsaka ibabalik sa susunod na linggo sa paaralan ng magulang kasabay ng paghahatid rin ng modules.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Samantala, makikita rin sa official facebook page ng OCES ang video ng mga estudyante na kabilang sa SPG candidates (https://www.facebook.com/depedtayoolongapocityes)

Panawagan naman ni Naboa sa mga magulang na kapag may hindi naunawaan ay maaari namang magtanong sa pamunuan ng paaralan o kaya sa mga guro para maipaliwanag muli.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'MAXAN Xanthene Mangos Maxan Coffee time! MAXAN Mangosteer Xanthone MAXAN Shop now! N Lazada'