Mga kaso ng Covid-19 sa Sorsogon, bumaba na

SORSOGON CITY – Bumaba na ang bilang ng kaso ng coronavirus disease  (COVID-19) sa lalawigan ng Sorsogon, ito ang naobserbahan ng Provincial Health Office.

Sa pinakahuling datos ng nasabing opisina, lumabas na mula sa 800 na aktibong kaso noong nakaraang buwan, umaabot na lamang ang kaso ngayon sa 373 makaraang tumaas ang mga naitalang gumaling sa nasabing sakit na umabot sa 83, habang walang naitalang bagong kaso ng pagkasawi.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang SPHO sa kooperasyon na ibinibigay ng bawat mamamayan.

Sa kasalukuyan, ang lalawigan ay nasa ilalim pa rin ng Alert Level 4 at inaasahan ng pamahalaang lokal na maibaba ito o tuluyang maalis ang antas ng babala kung magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng impeksyon sa lalawigan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa kabuuan, umabot na sa 5,020 ang mga gumaling sa Covid-19 habang 5,730 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nasabing sakit.