Patuloy sa isinasagawang clearing operation ang Office of the Civil Defense (OCD) sa naging pinsala ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng Mindanao.
Sa panayam ng BrigadaNewsFM kay OCD spokesperson Diego Mariano, sinabi nitong patuloy nilang vine-verify ang mga napa-ulat na casualties sa area.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan pa ang OCD sa mga regional offices para sa validation ng mga apektadong residente.
Kung maaalala, una nang iniulat ng 97.5 Brigada NewsFM Kidapawan ang pagkamatay ng dalawang mga residente sa President Roxas sa North Cotabato.
Ang isa rito ay isang 68-anyos na senior citizen; habang ang isa naman ay isang 44-anyos na person with disability.