Sinaksihan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ceremonial signing ng Intergovernmental Energy Board Circular hinggil sa paggagawad ng mga kontrata para sa petroleum service at coal operations sa Bangsamoro Region.
Sinabi ng Pangulo, umaasa syang magiging daan ito para makahikayat ng mga local at foreign investors na makakasama sa exploration at development ng BARMM energy resources.

Dagdag pa nya na ang ganitong mga programa ay patunay na kasama ang Autonomous region of Muslim Mindanao sa development progress ng Pilipinas.
Samantala dumalo sa naturang signing sina Energy Secretary Rafael Lotilla, BARMM Chief Minister Ahud Ebrahim, at BARMM Minister for Environmental and Natural Resources Akmad Brahim, na ginanap sa President’s hall sa Malacanang Palace ngayong hapon.