OCD, naka-red alert na rin para sa Tropical Depression #FalconPH

Naka-red alert na ang Office of the Civil Defense (OCD) para sa kay Tropical Depression Falcon na namataan sa karagatan ng Silangan ng Northern Luzon, ayon sa tagapagsalita ng OCD na si Dir. Edgar Posadas.

Sa panayam ng BrigadaNewsFM kay Dir. Posadas, sinabi nito na 9 sa kanilang regional offices at naka-alerto dahil kagaya ni Bagyong Dodong at Egay ay palalakasin din ni Falcon ang ulang dala ng Habagat.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Nagbaba rin si Posadas na huwag maging kompyansa ang publiko kapag ganitong may mga sama ng panahon at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat isa.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kung maalala, ngayong araw ay tuluyan ng nakapasok ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Depression Falcon na patuloy na binabantayan ng PAGASA.
#