Kahandaan ng mga paaralan sa SY 2023-2024, pinasisilip ni Sen. Gatchalian

Naniniwala si Senate Committee on Basic Education Senator Sherwin Gatchalian na napapanahon ng suriin ang kahandaan ng mga basic education institutions sa pagbubukas ng klase sa taong panuruan 2023-2024.

Umaasa naman si Gatchalian na makatutulong ang paghahain ng proposed Senate Resolution No. 689 sa pagbibigay ng liwanag kung paano naghahanda ang mga paaralan matapos ang pag-alis ng public health emergency dahil sa COVID-19 at sa banta ng El Niño phenomenon.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Binigyang-diin naman ng senador ang importansya ng pagtukoy ng mga problemang kinahaharap ng mga paaralan dala ng naging pandemya upang masolusyunan ito.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Samantala, batid din ni Gatchalian na mas napaiksi ang school break sa mga paaralan dala ng shift ng school calendar.
#