Higit tres-pesos na oil price hike, namumuro sa susunod na linggo!

Lalo pang tumaas ang inaasahang paglobo sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa mga oil industry sources – maglalaro sa P3.00 hanggang P3.60 ang maaaring itaas sa kada litro ng diesel.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Sa gasolina naman, maaari ring magkaroon ng umento na P1.60 hanggang P2.20 kada litro.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Sa kerosene, mayroon ding inaasahang P2.80 hanggang P3.40 na taas-presyo sa kada litro.

Araw ng Lunes iaanunsyo ang opisyal na price adjustment, habang magiging epektibo naman ito sa araw ng Martes.
#