NAGA CITY – Nagpaalala si Most Rev. Jose Rojas Jr. D.D., Obispo ng Diocese ng Libmanan sa Camarines Sur sa mga magulang hinggil sa tamang pagbibigay ng pangalan sa kanilang mga anak, na sana ay huwag gawing katatawanan at dapat may tamang spelling.
Ginawa ni Bishop Rojas ang panawagan sa kapiestahan ni San Bernardino de Seina sa Cabusao, Camarines Sur noong nakaraang Lunes, Mayo 20 na ayon sa kanya ay may mga nabibinyagan at naku-kumpil siyang mga batang ang mga pangalan ay hango sa food chain, sa sasakyan, mahahaba, at hindi maintindihan ang spelling na tiyak magbibigay ng kalituhan sa mga bata sa oras na mag-aral na ang mga ito ng pagsusulat.
Ang paalala ng Obispo ay idinaan na lamang sa pag komedya ngunit seryoso niyang sinabi na dapat maging matino naman ang pagbibigay ng mga pangalan at huwag ng pahabain pa.