Lolo na katatanggap lang ng pensyon, hinoldap

Hindi makapaniwala si Lolo Rostico Layas ng Barangay tagburos sa Puerto Princesa City.

Naholdap kasi ito Martes ng umaga sa kanyang talipapa sa National Highway ng Tagburos.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Wala na siyang nagawa nang tutukan siya ng baril habang nagtitinda ng isda bago kinuha ang kanyang P7,000 halaga ng per amula sa social pension at puhunan sa isda.

Aniya, ang suspek, naka-sakay sa scooter at nakasuot ng full face helmet.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Nananawagan ngayon siya sa kung sinuman ang maaaring makatulong sa kanya dahil ang pera na tinangay sa kanya ay may pinaglalaanan tulad ng gamot.