Kabilang ang Department of Social Welfare and Development sa nakiisa sa isinagawang Lab for All nitong Martes sa Subic Bay Exhibition and Convention Center sa SBFZ.
Nasa 2,300 na mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ang tumanggap ng tulong pinansyal na tig-2,000 pesos at food packs mula sa Disaster Response Management Division.
Maliban dito ay iginawad rin ang Seed Capital Fund para sa siyam na benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program.
Samantala, personal na dumating sina First Lady Liza Araneta-Marcos, DSWD Secretary Rex Gatchalian, DSWD Field Office 3 – Central Luzon Regional Director Venus Rebuldela at iba pang ahensya ng gobyerno.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: DSWD Central Luzon
