NUJP – umapela ng patas na imbestigasyon para sa pagkakasangkot ng isang newspaper tech editor sa ‘di umano’y hacking sa gov’t websites

Binigyang-diin ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang kahalagahan ng presumption of innocence at karapatan para sa due process, kasunod ng pagkakadawit ng isang newspaper tech editor sa ‘di umano’y hacking sa gov’t websites.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ayon sa NUJP, ‘problematic’ at ‘unethical’ para sa mga journalist na mag-‘instigate’ ng mga insidente para lang may maibalita.

Kasabay niyan ay pinaaalala rin umano ng Journalists’ Code of Ethics na i-resort lamang ang patas at totoong methods sa pagbabalita, mga larawan, at mga dokumento.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa huli, sinabi ng NUJP na maaasahan at mangyayari ang tapat na pamamahayag – kung mapananatili ang respeto sa batas at ethical standards.