Hindi raw dapat magamba ang magsasaka sa tarrif cut.
Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., hindi maituturing na ‘anti-farmer’ o hindi maka-magsasaka ang pagtatapyas ng taripa.
Tinututukan naman kasi aniya ng pamahalaan ito, at handa rin itong punan ang mga mawawala sa RCEF fund.
Binigyang-diin ni Laurel na patuloy na susuportahan ng gobyerno ang mga kagamitan at pangangilangan ng mga magsasaka.
Sa huli, sinabi ng kalihim na layunin ng tarrif cut na ibaba ang presyo ng bigas sa merkado upang matulungan ang mga Pilipinong magkaroon ng kanin sa kanilang mga hapag.