Mga ga-graduate, isinusulong na magtanim ng puno

Isinusulong ni Senador Raffy Tulfo ang panukalang batas na mag-aatas sa lahat ng mga senior high school at college students na magsisipagtapos na magtanim ng tig-2 mga puno.

Ito umano ay bilang isang civic duty para sa pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Sa ilalim ng Senate Bill 2691 o ang Graduating Students for Reforestation Act of 2024, binigyang-diin ni Tulfo na nahaharap sa iba’t ibang environmental challenges ang bansa gaya ng deforestation, pagkawala ng biodiversity, at pagbabago ng klima.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Kaugnay nito, mahalaga aniyang mapanatili ang kagubatan para sa balanseng ekolohiya.

Naniniwala ang mambabatas na sa tulong ng pagtatanim ng puno ng mga magtatapos na estudyante – matutugunan ang naturang mga hamon, at matitiyak ang panunumbalik ng maayos nakalikasan.