Nuggets bumawi, tinambakan ang Heat sa Game 3 ng NBA Finals

Bumawi ang Denver Nuggets sa Miami Heat sa Game 3 ng 2023 NBA Finals series, 109-94.

Tinambakan ng Nuggets ang Heat sa 2nd half ng laro nang hangang 19 puntos at mula doon ay hindi na nakabalik pa hangang sa huling segundo ng laban.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Muling bumida ang center-guard combo nina 2-time MVP Nikola Jokic at Jamal Murray na kapwa nagtala ng triple-double performance.

Humakot ng 32 points, 21 rebounds at 10 assists si Jokic habang si Murray ay may 34 points, 10 rebounds at 10 assists.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Hindi naging ang 50-points combined points nina Jimmy Butler at Bam Adebayo para pigilan ang pagragasa ng opensa ng Nuggets.

Samantala may pagkakataon pang makatabla ang Miami sa Game 4 ng serye na muling gaganapin sa home court nito sa Sabado ng umaga, June 10, oras sa Pilipinas.