Nagpahayag ng pagkadismaya si Senadora Risa Hontiveros sa patuloy na pagkakakulong ni dating Justice Secretary at dating senador Leila de Lima.
Ang naging pahayag ni Hontiveros ay kasunod ng pagbasura ng Muntinlupa Regional Trial Court sa petition for bail ni de Lima sa kinakaharap nitong kaso na may kinalaman sa ilegal na droga.
Hindi umano maiwasang matanong ni Hontiveros kung bakit may ilang kaso ang kaagad na nalulutas samantalang ang kaso ng dating senador na naglalahad lang ng pang-aabuso sa drug war ay anim na taon nang nililitis.

Nakakabahala din ayon sa Senate minority leader na yung mga pekeng testimonya mula sa mga drug lord ay nangingibabaw at pinakikinggan pa rin gayung marami sa kanila ay binawi na ang kanilang mga paratang laban sa dating kalihim.
Umapela din ang mambabatas nang agaran at malinaw na resolusyon sa kaso, at sinabi pang dapat na matigil ang umano’y ‘kabulastugan at pagpapahirap kay de Lima. //LGD, edited MHEL PACIA