COVID-19 vaccination program ng PH, remarkable sa kabila ng kakulangan sa suplay- WHO

Tinawag na remarkable ng isang representative ng World Health Organization ang vaccination program sa Pilipinas ngayong nakapagturok na ang gobyerno ng 12 milyong doses apat na buwan matapos ilunsad ang vaccine rollout. 

Ginawa ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe ang pahayag kasabay ng paliwanag na nag-set ang WHO ng threshold sa lahat ng bansa pagdating sa COVID-19 vaccination. 

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Target ng grupo na mabakunahan ang 10 percent ng populasyon sa lahat ng bansa pagdating ng September, 40 percent sa katapusan ng 2021, at 70 percent pagdating ng June 2022. Itinakda ito ng WHO ano pa man ang economic status ng mga bansa. 

Ayon kay Abeyasinghe, naniniwala syang malalampasan ng Pilipinas ang threshold dahil ang sinusundan ng bansa ay isang “ambitious” vaccination plan. 

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Kasabay nito, pinuri ng opisyal ang gobyerno, private sector, at lahat ng industriya na tumulong maka-secure ang bansa ng COVID-19 vaccine supplies. 

Bukod dito, ipinaliwanag ni Abeyasinghe na target ngayon ng WHO ang pagbabakuna ng mas maraming indibidwal hangga’t maaari ngayong itinaas nila ang ratio ng dapat mabakunahan sa 85 percent ng populasyon dahil na rin sa pag-usbong ng mga mas nakakahawang COVID-19 variant.