PNP: 3 kaso ng Delta variant, nadetect sa police personnel

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na may tatlong kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang kanilang nadetect sa kanilang personnel.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Ronaldo, noong Hulyo pa nagpositibo ang mga ito para sa COVID, at natapos narin ang kanilang 14-day isolation, pero nito lang buwan lumabas ang resulta sa test ng genome sequencing.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Dahil dito, ang tatlong police personnel na nakatalaga sa Aviation Security Group (AVSEGROUP), ay sumailalim sa isa pang RT-PCR test.

Isa sa kanila ay nagpositibo sa virus at ngayo’y nasa isolation facility na ng isang local government unit, ang pangalawang pulis ay negatibo, pero nasa ilalim ng home quarantine, habang ang pangatlo ay naka-home quarantine habang hinihintay ang resulta ng test.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Dagdag ni Vera Cruz, ang mga close contacts ng infected PNP personnel ay nagnegatibo naman para sa COVID-19. // MHEL PACIA-TRINIDAD