NTF-ELCAC, kinondena ang pagpatay ng mga umano’y rebelde sa lalaki sa Negros Occidental

Mariing kinondena ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang brutal na pagpatay sa isang lalaki sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental, kamakailan.

Sa isang pahayag, sinabi ng NTF-ELCAC na hindi makatarungan ang pagpatay sa biktimang si Allan Macasling Sr.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Base sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente habang nagtatrabaho si Macasling sa isang fish pond noong Martes nang salakayin siya ng limang armadong suspek.

Ayon sa mga saksi, ginapos ang kamay ng biktima at dinala sa kanyang tahanan bago pinaslang sa pamamagitan ng pamamaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Patuloy ang pagsisikap ng mga awtoridad na mahuli at mapanagot ang mga responsable sa krimen.

Nanawagan naman ang NTF-ELCAC sa pakikiisa ng komunidad upang mapanagot ang mga taong nasa likod ng ganitong uri ng karahasan.