Umabot sa 90 iba’t ibang criminal cases ang naisampa ng Bureau of Customs o BOC sa Department of Justice noong nakaraang taon.
Sa nasabing bilang, 60 dito ang kaso ng agricultural smuggling.
Habang meron namang 13 panibagong kaso ng agricultural smuggling ang naisampa ng BOC ngayong 2024.
Ayon kay BOC Deputy Commissioner Michael Fermin, meron nang na-convict sa mga nasampahan nila ng kaso, bagamat wala itong inilabas na pangalan.
Nabatid na kabilang sa mga sinampahan ng agri-smuggling cases ang mga may ari ng warehouse ng bigas na ni-raid ng mga otoridad sa Bulacan.