Muling nilinaw ng Department of Health na sa ngayon ay hindi pa rin maituturing na ‘variant of concern’ ang omicron BA.2.12 subvariant na nakapasok sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagamat 2.5 times na mas nakahahawa ang variant na ito ng COVID-19, hindi naman ito nagdudulot ng malalang mga sintomas.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang monitoring at pag-sequence sa mga naging close contacts ng Finnish national na nagposibito sa variant na ito.
Sa ulat, mayroon itong 9 close contacts sa Quezon City, 5 close contacts sa Benguet, at nasa 30 mga ‘near contacts’ sa pagsakay nito sa eroplano.

Ang lahat ng mga ito ay na-test na at wala ring kinakitaan ng mga sintomas.
Dumating ito sa bansa noong April 2 para magsagawa ng seminar at hindi na sumailalim sa mandatory isolation sapagkat ito ay fully-vaccinated na at walang sintomas.
Sa kanyang ika-siyam na araw at nakaranas ito ng sore throat kaya sumailalim sa testing.
Sa kasalukuyanm, inaalam pa kung kanino galing ang variant na naka-infect sa 52-year old na Finnish national.
Posible umanong na-infect ito sa biyahe niya papunta sa Pilipinas, o ‘di kaya nama’y paglapag nito sa bansa.
#