NTF adviser, hindi isinasantabi na maaring makapasok sa PH ang Delta variant

Hindi isinasantabi ni National Task Force against COVID-19 adviser Ted Herbosa na maaring makapasok sa bansa ang mas nakakahawang COVID-19 Delta variant.

Dahil dito, kailangan ng gobyerno na paigtingin ang kanilang contact tracing efforts para lalong pigilan ang transmission.

Mababatid na naitala ng Department of Health (DOH) ang 19 na mga kaso ng naturang variant, na pawang nadetect mula sa returning overseas Filipinos.

Sa ngayon, wala pa namang naitatalang local o community transmission sa bansa.

Binigyang diin pa ni Herbosa na 90 bansa na ang nagtala ng mga kaso ng Delta variant.

Sinabi nito na bagama’t ipinapatupad ng gobyerno ang strict border control at quarantine restrictions para maiwasan ang pagpasok ng variant, kailangan ring maghanda ang gobyerno sakaling makalusot ang Delta variant sa bansa. //MHEL PACIA-TRINIDAD