Nag-isyu na ang National Telecommunications Commission (NTC) ng 30-day suspension order laban sa Sonshine Media Network International o SMNI.
Kasunod ito ng isang resolusyon sa Kamara kung saan ay inaakusahan ang SMNI ng paglabag ‘di umano sa kanilang prangkisa.
Sa ilalim ng NTC order, maliban sa suspension sa loob ng isang buwan ay pinagpapaliwanag din ang Swara Sug Media Corporation, ang trade name ng SMNI, para hindi sila patawan ng mga administrative sanctions.
Ayon sa NTC, dapat itong isumite sa loob ng 15 araw.
Matatandaaang kasu-suspend lang ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa dalawang shows sa SMNI.
Kabilang na rito ang ‘Laban Kasama ang Bayan’ kung saan, isiniwalat ang unferivied report ng bilyong-halaga ng travel expenses ni House Speaker Martin Romualdez; pati na rin ang programang ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ ni dating pangulong Rodrigo Duterte, kungs saan ay binantaan naman si Rep. France Castro.
#