Pres’l Assistant for Strategic Comm. Cesar Chavez, nag-sorry sa fake news sharing

Agad humingi ng paumanhin si Presidential Assistant for Strategic Communication Cesar Chaves, hinggil sa nai-post nitong fake news sa kanyang Facebook account, kaugnay sa isang memorandum na nagdedeklara ng half day holiday bukas.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Inamin ni Chavez na hindi niya na-verify ang impormasyon bago ito i-post, kaya inaako nya ang lahat ng responsibilidad at sya anya ang dapat sisihin sa kumalat na pekeng memorandum.

Sinabi pa nitong bilang dating mamamahayag, at maingat sa pagsuri ng mga detalye, aminado itong nalusutan sya ngayon.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Nabatid na nagdulot ng kalituhan sa publiko ang pekeng memorandum 427, matapos itong mabilis na kumalat sa social media.
#