Pinaigting ng Manila Police District (MPD) ang seguridad sa paligid ng Simbahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.
Ito’y habang nagpapatuloy ang Simbang Gabi at papalapit na Pista ng Itim na Nazareno.
Bukod sa checkpoint, nagpakalat din ng tauhan ang MPD malapit sa simbahan dahil talamak na naman ang mandurukot at holdapan sa pagsapit ng Pasko.
Kaugnay rito, ipinag-utos ni MPD- Director OIC, Police Colonel Arnold Thomas Ibay na bantayan ng pulis-Maynila mula Station 1 hanggang 14 ang mga matataong lugar.
