NTC Bicol, binigyang-diin ang mga posibleng parusang maaaring ipataw sa mga gagamit ng pekeng impormasyon sa pagrehistro ng SIM cards

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng National Telecommunication Commission (NTC) Bicol ang mga posibleng parusa na maaaring ipataw sa sinumang gagamit ng mga pekeng impormasyon sa pagrehistro ng kanilang SIM cards.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ayon kay NTC Bicol Regional Director Engr. Samuel Sabile, maaaring makulong ng ilang taon at magbayad ng tinatayang aabot sa PHP300,000-PHP600,000 ang sinumang madadakip na gumamit ng pekeng personal na impormasyon sa pagrehistro.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Aniya, dapat na umanong mag-register ng mga SIM card users bago ang deadline ng registration sa Hulyo 25 upang hindi ito ma-deactivate.