NSC – umapela sa iba pang coastal states na isnabin ang China sa banta nitong mang-aresto sa mga ‘foreigners’ sa WPS

Magpapatuloy pa rin ang pangingisda ng mga Pilipino sa ating teritoryo.

Ito ang idiniin ng National Security Council (NSC) matapos ang naging pagpayag ng China sa kanilang coast guard na hulihin ang mga ‘foreigners’ sa mga pinaniniwalaan nilang sa kanila sa West Philippine Sea.

Read More:  Champi may regain super typhoon strength before entering PAR

Sa pulong balitaan – muling idiniin ni NSC assistant director general Jonathan Malaya na wala itong bearing.

Sinabi pa ni Malaya na daragdagan pa nila ang deployment ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Navy sa mga pinag-aagawang teritoryo nang sa gayon ay maproteksyunan ang mga mangingisdang Pilipino mula sa harassment ng China

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Hinikayat din ng opsiyal ang iba pang mga coastal states na na ‘wag nang pansinin pa ang naging banta ng China.