Sinabihan na raw ni House Committee on Human Rights Chair Rep. Benny Abante ang kanyang mga kasamahan na ayaw niyang magkaroon ng ‘political color’ ang imbestigasyon sa kontrobersyal na kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Abante, iginiit nitong hindi niya gustong mahaluan ng pulitika ang isasagawa nilang pagdinig.
Nilinaw din ng mambabatas na ang kanilang imbestigasyon ay hindi gagamitin sa International Criminal Court.
Ang komite raw nila ang gagawa ng sarili nilang pagsisiyasat sa isyu ng war on drugs.
Mababatid na magsisimula na ang pagdinig ng House Committee on Human Rights sa madugong war on drugs ng Duterte administration sa Miyerkules.