Naitalang krimen sa unang quarter ng 2024 sa Kalinga, mas mababa kumpara noong 2023

Nakapagtala ang probinsya ng Kalinga ng 17 kaso ng iba’t-ibang klaseng krimen sa unang quarter ng 2024 na mas mababa kung ikukumpara sa parehong panahon noong 2023 na nakapagtala ng 31.

Ayon sa Kalinga Police Provincial Office, mula sa walong focus crimes ng PNP na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car theft, at motorcycle theft ay rape ang mayroong pinakamataas na kaso.

Sa 17 na insidente, nakapagtala ng anim na kaso sa rape, apat na kaso ng pagpatay, tig-tatlong kaso ng physical injury at theft habang isa naman ang robbery.

ang mga ito ay naitala mula Enero hanggang Marso ngayong taon kung saan isa dahilan ng pagbaba ng krimen ay ang nagpapatuloy na pagpapatrolya ng kapulisan sa kanilang nasasakupan upang mapanatili ang kaayusan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *