NSC nilinaw na walang “paalamang” nangyari sa mapayapang rore mission

Nanindigan ang National Security Commission o NSC na hindi sila nag paalam kahit kanino, kasunod ng naging mapayapang rore mission nitong nakalipas na araw.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni NSC Asst. Director General Jonathan Malaya na ang mapayapang rore mission ay bunga ng diplomasya at negosasyon ng provisional understanding with the People’s Republic of China.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Taliwas anya ito sa pinalabas na statement ng Chinese Foreign ministry na nagpaalam at isinailalim nila sa inspeksyon ang laman ng barko ng Pilipinas.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ani Malaya, tulad ng una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs, isa itong misrepresentation of facts.