Mayor Alice Guo – ‘di pa rin nakalalabas ng bansa ayon sa BI

Wala pang record si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping na umalis ito mula sa isang Philippine port.

Batay ito sa ulat ng Bureau of Immigration.

Kasabay nito ay ginisa ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang BI, at kinwestyon kung kaya ba talaga nitong ma-monitor ang bawat maliit na port, at private planes.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Samantala, nagbabala rin ito sa NBI at PNP na maapektuhan ang budget ng mga ito sa sandaling hindi maaresto si Guo sa loob ng isang buwan.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ani Estrada, hindi naman pupuwedeng maghintay lang sila nang maghintay.

Mangangahulugan lang din umano ito na mahina ang intelligence ng PNP at NBI.