NPC: unauthorized gcash transaction, dulot ng ‘meticulous phishing’

Dulot daw ng “meticulous phishing” mula sa mga gambling websites ang dahilan ng mga inireklamong unauthorized gcash transaction kamakailan.

Ayon kay Privacy Commissioner John Henry Naga, ito ang naging resulta ng imbestigasyon na ginawa ng NPC Complaints and Investigation Division sa phishing attacks na kinasangkutan ng daan-daang users at umano’y kumita ang mga ito ng milyun-milyong piso.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sinamantala aniya ng mga threat actor ang mga vulnerable GCASH users, na nag-trigger ng phising scheme sa online gambling websites gaya ng ‘Philwin’ at ‘tapwin1.com.’

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Samantala, tiniyak ng NPC sa publiko na nakatuon ang ahensiya sa pagpapatupad ng mandato nitong protektahan ang datos ng mga Pilipino.//CA