NPA, patay sa bigong asasinasyon sa isang Kapitan sa Masbate

SORSOGON CITY – Pinangalanan na ng mga awtoridad ang napatay na NPA sa nangyaring bigong asasinasyon sa Punong Barangay ng Villa Innocencio sa bayan ng Placer, Masbate.

Kinilala itong si Raymond Nahara, kasapi ng Larangan 2, Komite Probinsiyal 4 ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) sa ilalim ng pamumuno ni Elias Pautan Canete aka ‘Mar.’

Batay sa ulat, ang mga biktimang sina PB Valiente Diamos Mangubat kasama sina Ramil Pagal Argawanon, 42-anyos; Tedecio Quilong-Quilong Enero, 57-anyos at Rei Canta Dietro, 26-anyos ay naglalakad papunta sanang Brgy Tubod nang biglang pinagbabaril ng apat na lalaki na pinaghihinalaang mga rebelde.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Bagama’t sugatan, ay nakaganti ng putok si Mangubat at napatay ang isa sa mga suspek.

Napaulat din na maliban sa mga biktima ay sugatan din ang isang 17-anyos na menor-de-edad na nasapol ng ligaw na bala.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Naitakbo ang mga biktima sa ospital at ngayon ay ligtas na sa kapahamakan.

Narekober ng mga rumespondeng pulis sa pinangyarihan ng krimen ang kalibre 45 na pistola ng suspek, magazine at 5 basyo ng bala para sa nasabing baril.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng mga nakataks na suspek at sa tunay na motibo ng pamamaril.