NPA na nahaharap sa kasong murder, arestado

SORSOGON CITY – Arestado nitong Lunes ang isang kasapi ng New People’s Army na sangkot sa kasong pagpatay sa bayan ng BUlan, Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Gistole Lourente, 27-anyos, laborer, may kinakasama at naninirahan sa Brgy Cadandanan ng nasabing bayan. Ito umano ay miyembro ng Platun 2, Larangan 2, Komite probinsyal 3 ng Bicol Reg’l Party Committee (BRPC).

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 65 na walang itinakdang piyansa.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Inaresto si Lourente ng pinagsanib na puwersa ng Regl Intelligence Unit 5, Sorsogon Prov’l Intelligence Team bilang lead unit, CIDG, 92SAC-9SAB, 2nd Provl Mobile Force Company, 504th Maneuver Company Regl Mobile Force Battalion 5 at ng Bulan Police.