Naitala ang Pilipinas ang 4,479 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para lomobo ang total tally nito sa 1,408,058.
Ang datos sa mga bagong infections ay ang pinakamababa mula sa 4,353 na naitala noong June 23, pero hindi kasama ang resulta mula sa 14 na laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos.
Dahil naman dito, sinabi ng Department of Health na naitala ang active tally sa bansa, sa 50,037 kung saan 90.4% ang mild, 4.4% ang asymptomatic, 2.1% ang severe, at 1.5% ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, tumaas ang bilang ng kabuoang recoveries sa 1,333,464, matapos gumaling mula sa respiratory disease ang 6,471 pang pasyente, habang ang total death toll ay umakyat sa 24,557, matapos madagdagan ng 101 na mga bagong fatalities. // MHEL PACIA-TRINIDAD