NPA lider patay sa engkuwentro sa Camarines Sur; isa pang rebelde sumuko

CAMARINES SUR- Patay ang isang lider ng New People’s Army sa Camarines Sur habang may isa namang sumuko.

Sinawimpalad sa bakbakan ang pinuno ng Front Operational Command ng Sub-regional Committee-2 na si  alyas “Disan,” “Joey,” at “James” sa naitalang engkwentro sa pagitan ng pinag-isang pwersa ng 83rd Infantry Battalion at PNP laban sa nasa walong NPA nitong  Hulyo 8, sa bahagi ng Barangay San Ramon, Tinambac, Camarines Sur.

Tumagal ng sampung minuto ang palitan ng putok bago abandonahin si alyas Disan ng kanyang nagsitakas na kasamahan. Naiwan din sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M16 rifle at mga personal na kagamitan.  Ayon kay DPAO Chief Maj. Frank Roldan ang namatay ay nahaharap sa patung-patong na kaso kabilang ang dalawang Attempted Murder, dalawang Frustrated Murder, Illegal possession of firearms, ammunition and explosives at Violation on Crime Against International humanitarian Law o RA 9851.

Samantala ,  sumuko sa kampo ng Camarines Sur 2nd PMFC sa Caraycayon, Tigaon, ang isang lalaki na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG). Kasabay sa pag boluntaryong pag suko nito ay ang isang baril , bala at iba pang gamit.

Ang Phil. Army at PNP ay patuloy sa pag hihikayat sa mga miyembro ng kilusan na boluntaryong sumuko at maki pagtulungan sa programa ng gobyerno tungo sa kaunlaran at ligtas na pamayanan para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *