Libreng operasyon, isasagawa sa Cauayan City

Nakatakdang isagawa sa Lungsod ng Cauayan ang ikalawang yugto ng isang linggong free surgical mission.

Ito ay kaalinsabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Mayos Jaycee Dy kung saan katuwang ng Lokal na Pamahalaan ang Rotary Club at City Health Office.

Inaanyayahan ang mga Cauayeño na magtungo lamang sa City Health Office 1,2 at 3 para sa libreng operasyon maging ang mga laboratory test bago ang operasyon sa Ika-12 hanggang ika-17 ng Agosto, taong kasalukuyan.

Kabilang sa mga serbisyong ihahatid ay para sa mga pasyenteng may goiter, gynecology cases, gall bladder surgery, Hernias, Hemorrhoids, Major Breast Surgery at Pediatric Patients.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *