NPA, inako pero idinipensa ang pagpatay sa rebel returnee

SORSOGON CITY – Inako na ng New People’s Army (NPA) ang pagpatay sa isang former rebel sa Brgy Sangat, Gubat, Sorsogon at depensa ng hukbo,  kanila umano itong pinarusahan sang-ayon sa kanilang rebolusyong hukuman dahil sa ‘’kasong pagtataksil at pang-eespiya’’ sa kanilang kilusan.

Una rito, ang biktima na si Jonathan Hubilla Escolano, alias Marvin, 37-anyos, residente ng nasabing barangay ay pinagbabaril-patay ng hinihinalang mga rebelde habang nakikipag-inuman ito sa loob ng bahay ng isang opisyal ng barangay.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon sa kalatas na ipinalabas ng NPA-Sorsogon Celso Minguez Command sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Samuel Guerrero, si Escolano umano ay naging espiya ng Military Intelligence Company (MICO) matapos itong sumurender noong 2019.

Itinuro si Escolano ng dati niyang hukbo sa ilang operasyon katulad ng pagkaaresto sa dating rebelde na si Ruel Escullar noong buwan ng Marso sa bayan ng Gubat. Ayon sa hukbo, matagal na umanong umalis sa kanila si Escullar at ito ay tahimik na namumuhay bilang sibilyan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Umano’y ang pinakahuling operasyon ng MICO na nilahukan ni Escolano ay ang pagkaaresto ni Nilo Enconado sa Alabang, Muntinlupa noong nakaraang buwan lamang.

Ayon sa police report, si Enconado ay miyembro ng Larangan 1, Komiteng Seksyun sa Platun (KSPN) 3 at itinuturing din na Rank No. 1 most wanted person ng Gubat Police. Nagtago ito ng halos dalawang dekada matapos maharap sa kasong murder at 3 counts ng frustrated murder.