NAGA CITY- Umaaray na ang mga negosyante sa Naga City People’s Mall sa mahal na presyo ng gulay sa Benguet, kakaunti ang nabibili nila nang mahal subalit kinokontrol din ang ipapatong dahil hindi rin kakayanin ng mga mamimili lalo pa ngayong nasa krisis.
Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Dennis Roxas na apektado ang produksyon ng gulay dahil sa halos walang tigil na pag-ulan sa Baguio at Benguet noong mga nagdaang linggo. Kung titinggan aniya dati ay umaabot sa 15 tonelada ang naibabiyahe nila papunta sa Naga, ngayon umaabot na lamang sa lima o minsan nga tatlong tonelada na lamang ng mga gulay tulad ng repolyo, carrots at iba pa.
Dahil dito, nagkaroon ng pagpupulong ang ilang mga wholesalers pati retailers para sa kanilang diskarte upang hindi naman malugi.
Napag-usapan na magkakaroon ng scheduling sa pagkuha upang hindi ma underload ang truck, ang iba naman ay magpapakarga na lamang.
Hiling ni Roxas na maintindihan din ng mga mamimili ang kanilang sitwasyon.