Ibinunyag ni Heart Evangelista na sumailalim siya sa in-vitro fertilization (IVF) treatment.
Ayon kay Heart, isa sa pinakamahirap at challenging times ang naging karanasan niya sa pagsasailalim sa IVF.
Pagbabahagi pa nito, na sumailalim sa tatlong injections kada araw sa loob ng dalawang linggong proseso.
Matapos umanong ma-harvest at maproseso, nakakuha sila ng perfect boy at perfect girl.
Dahil dito, anumang oras na mapagdesisyunan niyang magkaroon ng anak ay nakahanda na ang embryo.
