North Cotabato nasa full alert status matapos ang sunod-sunod sa pagpapasabog ng mga bus

Nasa full alert status ngayon ang North Cotabato matapos ang sunod sunod na pagsabog ng mga bomba sa Tacurong at Koronadal City kamakalawa.

Sinabi ni PCol Harold Ramos ang Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office na kahit pa man mapayapa ang probinsya ngunit patuloy pa rin ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa seguridad.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nakadeploy na ang mga kapulisan, EOD team at K9 unit sa mga terminal sa buong probinsya.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Samantala patuloy ang isinasagawang anti criminality at anti-terrorism operation ng kapulisan habang nakipag-coordinate na rin ang mga chief of police sa mga terminals , bus drivers and operators at hiniling sa mga commuters na sasakay lamang sa terminal dahil hindi na magpapasakay pa ng mga pasahero sa mga daan. (BNFM KIDAPAWAN)
#