LEGAZPI CITY – Nasa 95% na ang nabakunahan na mga non-teaching at teaching personnel ng Department of Education (DepEd) Bicol ayon sa pahayag ni DepEd Bicol Regional Spokesperson Mayflor Jumamil ng sa Brigada News FM Legazpi.
Ayon kay Jumamil, mula sa 74,764 teaching and non-teaching personnels sa rehiyon, aabot sa 70,903 ang fully vaccinated na.
Aniya, ang mga nabakunahan na ay ang tanging papayagang makapagsimula ng kanilang face-to-face to learning.
Dagdag pa nito, may mga guro pa rin sa ahensya na hindi pa nagpapabakuna hanggang sa ngayon.
Gayunpaman, hindi pipilitin ang mga ito na magpabakuna, kaya hindi rin ito magtuturo ng face-to-face classes.
Samantala, 100% fully vaccinated na rin ang DepEd Regional Office V, at hinikayat pa rin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa COVID-19.