Mga naliligo sa karagatang sakop ng Camarines Norte ligtas pa sa jelly fish

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na ligtas pa sa ngayon sa jelly fish o mas kilala sa tawag na salabay ang karagatang sakop ng Camarines Norte.

Ayon kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam, wala pa umanong mga ulat sa ngayon tungkol sa salabay.

Paliwanag ni Tiam na kadalasan itong lumalabas kapag nasa kasagsagan na ng panahon ng tag init at ang pinaka peak  nito ay ang buwan ng Mayo.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Bagamat naranasan na rin ang mainit na panahon nito pang mga nagdaang linggo ay mayroon pa ring mga pag ulan.

Sa katunayan, ilang araw nang nakakaranas ng pag ulan ang lalawigan pero hindi naman ito nagtatagal.

Kapag nararanasan pa raw kasi ang mga pag ulan ay hindi umano ito paborable sa pagdami ng jelly fish.

Sa kabila nito  ay nagpaalala ang BFAR sa mga naliligo sa dagat na mag ingat.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Mapanganib ang salabay o jelly fish dahil maliban sa epekto sa balat ay sinisira din nito ang internal organ

Lumalabas kasi sa pag- aaral na ang salabay ay mayroong mala-asidong lason na maaaring kumitil ng buhay ng tao sa loob lamang ng 5 minuto kung ang natapatan ay yaong mga nakakalasong uri nito

Gayunman maaari naman itong maiwasan sa pamamagitan ng paglalagay ng net sa lugar kung saan nagsi- swimming ang mga tao upang hindi makapasok ang salabay.