SORSOGON CITY – Pinuri ng lokal na pamahalaan ng Irosin ang ilang grupo ng mga skate boarders sa kanilang bayan na unti unti nang nakikila dahil sa pagsali ng mga ito sa iba’t- ibang paligsahan.
Ayon sa LGU ang ganitong uri ng sports na mga non-contact ay siyang dapat palakasin dahil sa isa ito sa hindi mawawala kahit pa may banta ng pandemya, kumpara sa ibang contact sports.
Dagdag pa ng LGU hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ang skateboarding lalo na sa mga probinsya kahit pa may potensyal ang mga lokal na skate boarders sa mas malaking patimpalak.
Tiniyak ng LGU ang suportang ibibigay sa grupo ng mga skate boarders para mas makahikayat pa ng maraming kabataan na subukan ang naturang sports.
