Pansamantalang sarado simula ngayong araw ang tanggapan ng Cabagan Rural Health Unit matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang kawani.
Ayon sa RHU Cabagan, positibo sa COVID-19 ang isa sa kanilang staff kung saan nasa 15 na iba pang kasamahan nila ang may exposure dito.
Kaugnay nito ay magsasagawa ng malawakang disinfection sa lahat ng gusali sa RHU Cabagan Complex kaalinsabay din ng kanilang pagpupulong para pag-usapan ang mga gagawing hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus sa loob ng tanggapan.
Ito rin umano ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga kawani ng RHU maging ng publiko na nagkaroon ng pakikisalamuha sa kanila.
Inaabisuhan ang lahat na hintayin ang karagdagang abiso para sa muling pagbubukas ng naturang tanggapan.
PHOTO/ RHU CABAGAN