Nobena kay Nuestra Senora de Penafrancia sinimulan na rin sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Sinimulan na rin kahapon sa lalawigan ng Camarines Norte ang Novenary days sa karangalan ni Ina, Nuestra Senora de Penafrancia ang patrona ng Bicol.

Kasabay din ito ng pagsisimula sa Lungsod ng Naga pero hindi tulad noong mga nagdaang panahon, walang traslacion dahil sa COVID- 19 pandemic.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon sa pamunuan ng Lokal na Simbahan, ginagawa ito dito sa lalawigan dahil hindi umano makakapunta sa Naga ang mga deboto para personal na magpahayag ng debosyon kay Ina.

Sa Holy Trinity Cathedral, tuwing alas 5 ng hapon ay ginagawa ang novena prayer na sinusundan ng misa.

May kaniya- kaniya ring schedule ang bawat parokya ng pagsasagawa ng novena kay Ina.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ito na ang ikalawang taon na hindi gagawin ang malakihang pagtitipon dahil sa mga umiiral na restriction na ipinapatupad ng gobyerno.

Wala ring magiging malakihang pagtitipon ng Penafrancia Fiesta dito sa bayan ng Daet ngayong taon.