Mga completely vaccinated vs COVID-19 sa Bicol umabot na sa halos kalahating milyon pero mababa pa rin sa target

BICOL—Umaabot na sa kabuuang 493,616 na indibidwal ang completely vaccinated laban sa COVID-19 sa Bicol region.

Base ito sa pinakahuling Vaccine Statistics na inilabas ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH-CHD) kahapon, Setyembre 10. 258,812 ang mga nakatanggap na ng second dose ng bakuna habang 234,804 ang mga naturukan ng one shot Janssen vaccine.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Umaabot naman sa 471,364 ang mga nabakunahan sa first dose kung kaya sa kabuuan, mayroon nang 964,980 doses ng COVID-19 vaccines ang naibakuna sa iba’t-ibang priority groups.

Katumbas ito ng 75% ng nasa 1,287,230 doses ng mga bakunang natanggap ng Bicol region.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Mula A1 hanggang sa Other priorities, nasa 16% na ng target ang nababakunahan habang 11% na ang fully vaccinated.

Sa A1 o mga health workers, 158% na ang fully vaccinated, 43% naman sa A2 o mga senior citizen, 37% sa A3 o individuals with comorbidity, 1% sa A4 o mga uniformed personnel at 0.10% sa Other priorities.### || slm