No Segregation, No Collection Policy, sabay-sabay nang ipatutupad sa lahat ng barangay ng Olangapo

Uumpisahan na ang pagpapatupad ng No Segregation, No Collection Policy sa buong Olongapo simula sa susunod na linggo.

Ito ay para makita ng sanitation office kung saang bahagi ng programa ang mahihirapang sumunod ang publiko.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ayon kay Sanitation Office Head Engr.Lorelie Ricasa, sapat na ang ilang taong palugit para sa mga opisyal ng barangay at mga mamamayan para paghandaan ang seryosong implementasyong ng Ecological Solid Waste Management Act.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Dahil dito, inaasahang dalawang beses kada linggo maghahakot ng Residual Waste ang ESMO habang ang ibang uri ng basura naman ay ipapaubaya sa barangay ang obligasyong hakutin.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO