“Pabasa” sa Naga at Camarines Sur buhay na buhay pa

CAMARINES SUR- Buhay na buhay pa ang taunang “Pabasa” o ang  pagkanta o di kaya ay pagbabasa ng Pasyon ni Kristo. Ito ay ayon sa Archdiocese of Caceres Liturgical Ministry.  

Tulad na lamang ng pamilya Borbe sa Lagonoy at Tinambac Camarines Sur, ilang dekada na ang kanilang pabasa. Maging ang ilang pamilya sa Naga City ay napapanatili ang debosyon.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ayon kay Fr. Glenn Ruiz , modermo man ang panahon hindi naiiwan ang panata na ito tuwing Kuwaresma lalo sa sa Semana Santa.  Mayroong mga Pabasa sa pamilya, komunidad at Simbahan.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Pero malaking hamon ito sa mga kabataan, sa tulong aniya ng social media sana ay magkaroon ng interes.

Ang pasyon ay narrative ng buhay ni Hesukristo  mula kapanganakan, pagkapako niya sa krus, hanggang sa muling pagkabuhay.