No Sailing Policy ipinatupad sa Presentacion, Camarines Sur

NAGA CITY- Pinagbawalang makapagpalaot ang mga mangingisda  at pinagbawalang makapaglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa Presentacion, Camarines Sur kahapon.

Ito ay kaugnay ng gale warning ng PAGASA. Tatlong weather systems ang nakakaapekto sa bansa; Amihan, Shearline at Low Pressure Area.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nakasaad din sa kautusan ni Mayor Alicia Deleña na iwasan muna ng mga malapit sa dagat ang anumang water-related activities.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay SN1 Regie Niebres ng coast guard Sabang, San Jose sinabing limitado man ang personahe nakamonitor sila sa , Presentacion, San Jose at parte ng Lagonoy.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Hindi aniya maiiwasan na may pumipilit , sana aniya isaalang-alang ang kaligtasan bago maglayag.