Inamin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga hamon sa pagpapatupad ng Batas Kasambahay, at sinabing nasa 35,000 household helpers lang ang may written contracts.
Batay sa survey ng National Wages and Productivity Commission at ng Philippine Statistics Authority noong 2019, sinabi ni DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns Director IV Ahmma Charisma Lobrin-Satumba, na nasa 1.4 million household helpers ang naitala sa bansa.
Ibinahagi rin ni Lobrin-Satumba, na kaunti lang ang mga household helpers na mayroong social protection agencies.
Samantala, sinabi naman nito na ang minimum wage para sa lahat ng household helpers ay tumaas sa lahat ng rehiyon mula P500 hanggang P2,500 depende sa kanilang area, noong 2022.
